NANGAKO | Mahathir Mohamad, nanumpa bilang Malaysian Prime Minister

Nanumpa na bilang Prime Minister ng Malaysia si Mahathir Mohamad.

Kasunod ito ng ‘shocking victory’ niya sa katatapos lang na halalan.

Napuno ng kanyang mga taga-suporta ang labas ng Istana Negara Palace sa Kuala Lumpur kung saan isin agawa ang panunumpa.


Ang dating Prime Minister na nanilbihan din ng mahigit dalawang dekada ay itinuturing ngayon na pinakamatandang lider sa buong mundo sa edad nitong 92.

Pinalitan ni Mohamad si Najib Razak na nahaharap sa iba’t-ibang mga kontrobersiya.

Facebook Comments