NANGAKO | Mamahaling relo, pabuya ni Pangulong Duterte sa mga magigiting na sundalo

Manila, Philippines – Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na mamahaling relo na ang ibibigay niyang pabuya sa mga sundalong magpapakita ng katapangan na gawin ang kanilang tungkuling para sa bayan.

Sa talumpati nito sa harap ng mga sundalo sa ginanap na seremonya sa provincial capital ng properidad, Agusan del Sur – tiniyak ni Duterte na magbibigay siya ng Rolex luxury watches sa mga magigiting na sundalo.

Aniya, hindi na makakatanggap ang mga nauna na niyang nabigyan ng relo

Kasabay nito, pinuri at sinaluduhan ng Pangulo ang AFP Western Mindanao Command dahil sa magandang performance nito.

Binigyan naman ni Duterte ang 401st at 402nd infantry brigades ng tig-P100,000 para sa kanilang serbisyo.

Facebook Comments