NANGAKO | Mga problema ng bansa at mga programang para sa mamamayan, tututukan nina Sen. Poe at Angara

Manila, Philippines – Kapwa nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sina Senators Grace Poe at Senator Sonny Angara.

Nanguna si Poe at pang-anim naman si Angara sa pinakahuling Pulse Asia survey ng mga posibleng manalo sa 2019 senatorial elections.

Bilang pasasalamat ay tiniyak ni Senator Poe na tututukan niya ang mga kinakaharap na problema ngayon ng bansa.


Ayon kay Poe, pangunahin dito ang tumataas na inflation rate o presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo, mga Pilipinong walang trabaho at pinsalang iniwan ng bagyong Ompong.

Nangako naman si Senator Angara na isusulong ang mga panukalang para kapakanan ng mamamayan.

Inihalimbawa ni Angara ang mga panukala para sa dekalidad na libreng edukasyon, tulong pangkalusugan, disenteng trabaho na makatwiran ang sweldo at suporta sa mga senior citizen.

Samantala, nahirang din si Angara bilang bagong pangulo ng partido Laban ng Demokratikong Pilipino o LDP na itinayo ng kanyang namayapang ama na si dating Senate President Edgardo Angara noong 1988.

Facebook Comments