NEWS UPDATE: Imbestigasyon ng PNP Ilagan City sa Ni-Ransack na Northstar Mall, Patuloy Parin!

*Cauayan City, Isabela- *Patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat at pangangalap ng ebidensya ng PNP Ilagan City hinggil sa naganap na panloloob sa Northstar Mall sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Superintendent Rafael Pagalilauan, ang hepe ng PNP Ilagan City kung saan dumaan sa kanal ang mga suspek na may layong mahigit isang kilometro bago matumbok ang  Mall.

Nakipag ugnayan na rin ang kanyang pamunuan sa PNP Baguio City upang makakuha ng mga larawan ng mga suspek sa kanilang Lungsod  na may kapareho sa nasabing modus para sa kanilang karagdagang imbestigasyon.


Aniya, pangalawang pagkakataon na umano itong nangyari sa nasabing Mall subalit hindi nagtagumpay ang naunang modus ng mga salarin.

Giit pa ng hepe na hindi umano nagkulang ang kapulisan sa pagbibigay paalala sa mga may-ari ng gusali subalit kanila pa ring pinapaalalahanan ang mga ito na maging alerto sa mga modus ng mga kawatan.

Matatandaan na noong ika-dalawampu ng Septyembre ay nilooban ang Northstar mall at natangay ng mga suspek ang pera at mga gadgets na may halagang apat na milyong piso.

Facebook Comments