Manila, Philippines – Nangako ang Metro Rail Transit Line 3 management na simula Pebrero ay unti-unti nang makararamdam ng kaginhawahan ang mga pasahero ng tren.
Ayon kay MRT-3 Media Relations Officer Aly Narvaez, mayroon ng makikitang pagbabago sa kanilang operasyon dahil sa padating na ang mga bagong biniling spare parts na trinabaho ng Special Bids and Awards Committee ng Department of Transportation.
Asahan aniya na madadagdagan na ang bilang ng bibiyaheng tren at mababawasan ang mga nararasang pagtirik ng mga ito.
Nakiusap si Narvaez sa publiko na ang kaunti na lamang pagtitiis.
Umani ng batikos ang MRT 3 management mula sa hanay ng mga maraming commuters sa mahaba at tambak na pila sa mga istasyon.
Nabawasan ang bilang ng mga bumibiyaheng tren dahil isinasailalim sa mabusising pagmementina ang mga bagon na hindi maayos ang kondisyon.
Isinisi naman ito sa dating maintenance provider ng MRT-3 na Busan Rail Incorporated (BURI) na nabjgong panatilihing sapat ang supply ng spare parts at maiayos ang kalagayan ng mga bagon.