NANGAKO | Pangulong Duterte, iginiit na wala siyang koneksyon sa Cambridge Analytica

Manila, Philippines – Nangako ang Duterte Administration na magpapatupad sila ng batas na magpoprotekta sa privacy.

Kasunod na rin to ng nangyaring data breach controversy ng social media giant facebook kung saan ilegal na nakuha ng British consultancy firm na Cambridge Analytica ang personal data ng higit 80 milyong user.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, gumagawa na ng hakbang ang gobyerno para matiyak na protektado ang personal information ng mga Pilipino.


Sa kanyang pababalik bansa galing China at Hong Kong, iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte, na wala siyang kaugnayan sa Cambridge Analytica.

Sa naunang ulat, higit isang milyong Filipino facebook users ang apektado ng data breach.

Aabot sa 67 million facebook accounts ang nasa Pilipinas na itinuturing social media capital ng mundo.

Facebook Comments