TELECOM INDUSTRY | DICT, bukas sa binuong oversight committee para sa pagpili ng ikatlong telecommunications player

113

Manila, Philippines – Welcome para sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang binuong oversight committee ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa pagpasok ng ikatlong telecom player sa bansa.

Ayon kay DICT O-I-C Eliseo Rio, sa pamamagitan ng komite, magiging transparent at objective ang selection process sa bagong Telco.

Bukod sa DICT, binubuo ang komite ng Department of Finance (DOF), Office of the Executive Secretary at National Security Adviser.

Trabaho ng oversight committee na tulungan ang National Telecommunications Commission (NTC) sa pagbuo ng Terms of Reference (TOR) para sa pagpili at pagtatalaga ng radio frequencies.

Sa ngayon, patuloy pa ring tinatrabaho ng DICT ang draft ng TOR.

Facebook Comments