NANGANGAMBA | Inflation, pinangangambahang mauwi sa krisis

Manila, Philippines – Pinangangambahang mauwi sa krisis ang mataas na inflation rate sa bansa.

Sabi ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda, posibleng ito ang maging kauna-unahang krisis na kaharapin ng administrasyon.

Maaari kasing magresulta ng mas matinding kahirapan ang patuloy na pagtaas sa mga pangunahing bilihin kung saan pinauna ring tatamaan ang mga mahihirap.


Ayon naman kay DTI Secretary Ramon Lopez, importasyon ng bigas, isda, asukal at gulay ang nakikitang solusyon ng gobyerno para kahit papaano ay mapababa ang presyo ng mga bilihin.

‘Yun nga lang, hindi raw agad mararamdaman ang ginhawa.

Facebook Comments