NANGANGAMBA | Planong pagbuhay sa ‘Alsa Masa’, posibleng magpataas sa mga kaso ng EJK

Manila, Philippines – Nangangamba si Senator Risa Hontiveros na lalo pang tumaas ang mga kaso ng umano’y Extra Judicial Killings o EJK sa bansa na higit na magpapadilim sa reputasyon ng pambansang pulisya.

Ayon kay Hontiveros, ito ay sa oras na ituloy ng Philippine National Police (PNP) ang planong pagbuhay sa grupong Alsa Masa.

Ipinaalala ni Hontiveros na ang Alsa Masa, na isang paramilitary group noong 1980, ay naging talamak sa paggawa ng mga labag sa batas na aktbidad, pag-abuso, paglabag sa karapatang-pantao at pagpatay.


Bunsod nito ay binigyang-diin ni Hontiveros, na isang malaking kahibangan na gumamit muli ng ganitong taktika ang PNP para mapalakas ang kampanya laban sa droga at mapalalim ang ugnayan sa bawat komunidad.

Facebook Comments