ROAD ALERT | MPD, inilabas na ang listahan ng mga kalsadang isasara sa pagbisita ni Pres. Xi, bukas

Magpapatupad ng road closure at rerouting ang Manila Police District Traffic Enforcement Unit para sa seguridad at kaayusan ng state visit at pag-aalay ng bulaklak ni Chinese President Xi Jinping bukas, sa bantayog ni Gat Jose Rizal sa Luneta.

Simula alas 6 pa lamang ng umaga bukas (November 20) ay sarado na ang north and southbound lane ng Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo.

Ang north and southbound lane ng Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive at East at westbound lane ng P. Burgos mula Lagusnilad hanggang Roxas Blvd.


Ang east at westbound lane ng Finance Road mula sa Taft Ave. Hanggang P. Burgos.

Ang east at westbound lane ng TM Kalaw mula MH del Pilar hanggang Roxas Blvd.

East and westbound lane ng Pres. Quirino Ave. mula MH del Pilar hanggang Roxas Blvd.

Ang east at westbound lane ng P. Ocampo simula Mabini hanggang Roxas Blvd.

East at westbound lane ng Ayala Boulevard mula Solano hanggang Taft Avenue at ang kahabaan ng Solano mula P. Casal hanggang J.P Laurel.

Paalala ng MPD Traffic Bureau, asahan na ang mabigat na daloy ng mga sasakyan sa Maynila kaya at makabubuting dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta.

Facebook Comments