NANGANGAMBA | Sen. Binay, dismayado sa hindi pa rin matukoy na kapasidad ng Boracay

Manila, Philippines – Dismayado si Committee on Tourism Chairperson Senator Nancy Binay dahil mahigit tatlong buwan ng isinasailalim sa rehabilitasyon ang Boracay pero hindi pa rin alam ang carrying capacity nito.

Diin ni Senator Binay, dapat noon pa ay nagsagawa na agad ng pag-aaral ang Department of Environment and Natural Resources o DENR ukol sa Boracay.

Katwiran pa ni Binay, bago buksan ang Boracay sa buwan ng Oktubre ay mahalagang matukoy na ang carrying capacity o bilang ng mga turista na kaya nitong tanggapin.


Nangangamba si Senator Binay na baka masira muli ang Boracay at masayang ang pagsasaayos dito kung sobrang sobrang bisita ang tatanggapin nito.

Sa pagdinig na isinagawa ng Senado ay nangako naman ang DENR na ilalabas nila ang pag-aaral sa buwan ng Agosto.

Sa hearing ay inireklamo naman ni Malay, Aklan Mayor Ceciron Cawaling ang kawalan pa rin ng master plan para sa isla lalo pa at at umaabot na aniya sa 360-million ang nawawala sa kanilang kita simula ng ito ay isara.

May mga stakeholders ding nagsalita sa pagdinig at iniaangal na walang kinatawan ang gobyerno na nakikipag-ugnayan sa kanila kaya hindi rin nila kung ano ang kanilang gagawin para sa pagpapabuti ng Boracay.

Facebook Comments