Manila, Philippines – Wala talagang balak ang Administrasyong Duterte na bantayan ang West Philippine Sea.
Ayon sa Military Historian at Defense Analyst na si Jose Antonio Custodio, nakakabahala na parang lumalabas na extension ng Chinese ministry of foreign affairs ang Pilipinas.
Sa halip aniya na kumilos ang gobyerno para bantayan ang pinag-aagawang teritoryo, nagpapakita pa ng “defeatist mentality” ang administrasyon.
Dagdag pa ni Custodio, hindi rin totoo na malaya nang nakakapangisda ang mga Pinoy sa Scarborough Shoal matapos na magkasundo ang Pilipinas at China.
Sa kabila aniya ng mga donasyong barko ng Japan sa Philippine Coast Guard (PCG), hindi naman ito nakikitang nagbabantay sa bahagi ng West Philippine Sea.
Facebook Comments