SAWI | 15 BIFF members, patay sa engkwentro ng militar sa Maguindanao

Maguindanao – Patay ang 15 hinihinalayang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos maka-engkwentro ng miyembro ng 6th Infantry Division ng Philippine Army sa Liguasan Marsh sa Maguindanao.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander, Brig/General Cirilito Sobejana, hinahanap ng mga sundalo ang pasilidad kung saan ginagawa ng BIFF ang kanilang mga bomba.

Bukod sa ground troops, nagtalaga rin sila ng aerial support.


Sa engkwentro, bukod sa mga namatay ay walong miyembro ng BIFF ang sugatan at dalawa ang naaresto.

Facebook Comments