NANGANGANIB | Reputasyon ng Costa Rica bilang ligtas na travel destination nasa alanganin

Nanganganib ngayon na malagay sa alanganin ang reputasyon ng Costa Rica bilang ligtas na travel destination para sa mga turista.

Kinumpirma kasi ng ama ni Carla Stefaniak, na ang kanyang anak ang nadiskubreng mga labi malapit sa tinirhan nitong apartment complex.

Naiulat noong Nobyembre 28 na nawawala si Stefaniak na isang Amerikana.


Hawak naman na ng mga otoridad ang suspek na si Bismarck Espinoza Martinez na isang security guard na nagtatrabaho sa mismong apartment complex kung saan tumira si Stefaniak.

Dahil sa nangyari, pinangangambahan ngayon ang negatibong epekto ng insidente sa turismo ng Costa Rica. Ipinagmamalaki kasi ng bansa ang ilang dekadang reputasyon nito na magandang bakasyunan dahil ligtas at tahimik ito para sa mga turista.

Facebook Comments