Manila, Philippines – Itinanggi ngayon ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na nanghihimasok siya sa sistema ng pagbili o bidding process ng Department of National Defense ng kanilang Computer System.
Ito ang sinabi ni Go ay matapos lumabas sa balita na isinusulong umano nito ang pagparusa sa isang Korean Company na siyang kukuhanan ng Computer System para sa mga barko ng Philippine Navy habang mayroon pa umanong pinaborang kumpanya ang dati nitong Flag Officer in Command na si Vice Admiral Ronald Mercado na una nang sinibak dahil umano sa pagkakasangkot nito sa iregularidad.
Sa isang pahayag na ibinigay ni Go sa Malacanang Press Corps ay sinabi nito na hindi siya nakikialam o nanghihimasok, direkta man o hindi sa mga transaksyon ng DND.
Binigyang diin din nito na walang siyang anomang impormasyon kaugnay sa transaksyon na ibinibintang sa kanya.
Mas maganda din aniya na kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na lang itanong ang issue para ito ay mas maayos na matugunan.