PASSPORT RENEWAL | Problema sa haba ng pila, hinahanapan na ng DFA ng solusyon

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacanang na on top of the situation ang Department of Foreign Affairs sa usapin ng scheduling ng New Application at Renewal ng Philippine Passport.

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng kinakaharap na problema ng DFA dahil sa kakulangan ng schedule ng DFA para tanggapin ang maraming gustong magpa renew ng kanilang mga passports at mag-apply ng bago.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tinututukan ngayon ito ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at marami na itong hakbang na gagawin at ginagawa para mabigyang solusyon ang problema.


Isa aniya sa solusyon ay ang mga Mobile Passport Renewal Centers o Passport on Wheels sa ibat-ibang lugar sa buong bansa mara matugunan ang problema sa schedule ng Passport Renewal.

Facebook Comments