NANGINGISAY NA LEON | Pamunuan ng Manila Zoo, nagpaliwanag sa viral video

Manila, Philippines – Viral ngayon sa social media ang video ng isang leon na tila pangingisay sa sahig sa Manila Zoo.

Makikita sa video na kuha ni Mark Christopher Lee ang tila pangingisay ng leon habang patagilid na nakahiga sa semento.

Pero ayon kay Dr. Patrick Domingo, OIC on Zoological Division ng Manila Zoo, mabuti na ang lagay at posibleng na-stress lang raw ito dahil sa bagyong Ompong.


May halos 800,000 views na ang video at nakatanggap din ng iba’t-ibang reaksyon mula sa netizens.

Napansin din ng ilan ang kapayatan o tila malnourished ng dalawang lioness o babaeng leon.

Limang-taong-gulang na ang African lion na si Rapee.

Sabi pa ni Domingo, hindi pa nila matukoy kung talagang nagka-seizure si Rapee dahil hindi na ito naulit.

Gayunman, ihiniwalay muna si Rapee sa ibang leon para isailalim sa obserbasyon nang dalawang linggo.

Ang Manila Zoo ay mayroong mahigit 630 hayop mula sa 86 na species, kabilang ang nag-iisang elepante sa bansa na si Mali.

Mayroon rin itong 30 zookeepers at dalawang beterinaryo na sapat para para tugunan ang pangangailangan ng mga hayop.

Facebook Comments