UPDATE | Bangkay ng 3 bata na nahulog sa Tullahan Bridge, nakita na

Valenzuela City – Natagpuan na ang labi ng huling batang nalunod sa Tullahan River sa Valenzuela City noong Linggo.

Ayon sa Valenzuela rescue, nakuha ang bangkay ng 13-anyos na si Rheniel Tejadilla sa Antonette Town House, Pasong Balete, Marulas mag-aalas-kwatro Martes ng hapon.

Una nang nakuha ang bangkay ng dalawang 10-anyos na sina Kerby Tejadilla at Ian Salud


Matatandaang tinangay ng malakas na agos ng tubig ang tatlong bata noong Linggo ng hapon matapos pilitin kuhanin ang bolang kanilang pinaglalaruan.

Facebook Comments