NANGUNA | Maine Mendoza, tinanghal bilang 2018 Ultimate Asian Sweetheart

Manila, Philippines – Tinanghal bilang 2018 Ultimate Asian Sweetheart ang dubsmash queen na si Maine Mendoza.

Sa resultang inilabas ng entertainment website na Starmometer, tinalo ni Maine ang 99 pang ibang mga sikat na artista na nagmula pa sa China, Thailand at South Korea para makuha ang unang pwesto.

Nakakuha si Maine ng halos 1.5 milyong boto sa semi-finals at higit sa 750,000 na boto sa final round.


Pumangalawa naman kay Maine si Urassaya Sperbund ng Thailand, pangatlo si Sanaya Irani ng India, Jennie Kim ng South Korea at Shen Yue ng China.

Facebook Comments