Relo ng isang pasahero ng titanic, naibenta na

Naibenta na sa halagang 57,500 us dollar o P3 milyon ang isang relo na nakuha mula sa isa sa mga pasahero ng lumubog na barkong Titanic noong 1912.

Nakuha ang relo mula sa katawan ng 34-anyos na si Sinai Kantor na sakay ng Titanic nang bumangga ito sa iceberg.

Nangyari ang bentahan sa isang subastahan na idinaos ng heritage auctions sa Dallas, Texas.


Isa sa mga kaapu-apuhan ni Kantor ang nagbenta ng relo habang isang kolektor ng mga relong konektado sa trahedya ng Titanic ang napagbentahan nito.

Facebook Comments