NANGUNA | Pilipinas, “most tweeting country” sa kasagsagan ng miss Universe 2018 coronation

Manila, Philippines – Nanguna ang Pilipinas sa listahan ng “most tweeting countries” sa buong mundo noong kasagsagan ng Miss Universe 2018 coronation night.

Ayon sa Twitter, umabot sa halos anim na milyong tweet ang naitala noong Lunes at pinakamarami ay naitala alas 9:00 ng umaga.

Sumunod naman sa Pilipinas ang mga bansang Thailand, US, Brazil at Venezuela.


Umabot naman sa 8 million ang viewers habang kinokoronahan si Catriona Gray bilang bagong Miss Universe.

Samantala, alas 3:38 kaninang hapon, dumating na sa NAIA ang sinasakyang private jet ni Gray.

Dito sa Pilipinas magse-celebrate ng pasko si Gray kasama ang kanyang pamilya.

Habang sa Enero, nakatakda siyang bumiyahe sa New York para sa kanyang media tour at para simulan ang kanyang tungkulin bilang Miss Universe queen.

Facebook Comments