Manila, Philippines – Nanatiling call center capital ng mundo ang Pilipinas nitong 2017.
Ayon kay Contact Center Association of the Philippines (CCAP) Chairman Benedict Hernandez, patuloy na namamayagpag ang Pilipinas pagdating sa delivery ng contact services.
Naniniwala si Hernandez na magpapatuloy ang pagiging number 1 ng bansa.
Base sa datos ng Texas-based global consulting and research firm na The Everest Group, ang Pilipinas ang malaking contact center sa market ngayong 2018, nakuha ang 16 hanggang 18% ng total outsourced services globally.
Ang sektor ng call center sa bansa ay nakapaggawa ng 13 billion dollars revenue at inaasahang aabot sa 20.4 billion dollars pagdating ng 2022.
Dahil sa patuloy na paglago ng industriya, nasa 70,000 trabaho ang malilikha nito.
Malaking kompetitor ng Pilipinas sa market ay ang India.