NANGUNA | SC Associate Justice Lucas Bersamin, nanguna sa botohan sa pagka-punong mahistrado

Manila, Philippines – Nanguna si Associate Justice Lucas Bersamin sa naging botohan sa Supreme Court en banc sa pagka-Punong Mahistrado.

Sa ulat, nakakuha si Bersamin ng 10 votes, pangalawa sina Associate Justices Teresita De Castro at Diosdado Peralta na kapwa may tig-siyam na boto habang si Associate Justice Andres Reyes ay may dalawang boto lamang.

Ang naturang resulta ay ipapadala ng SC en banc sa Judicial and Bar Council (JBC) para maging basehan sa kanilang gagawing botohan sa lahat ng mga nominado.


Sa darating na Biyernes, Agosto 3, itinakda ng JBC ang kanilang deliberasyon sa mga aplikante sa pagka-Punong Mahistrado.

Facebook Comments