POLICE REPORT | Tatlong Babae sa Dagupan City na Hold Up!

Dagupan City – Nabiktima ng mga holdper sa lungsod ang tatlong babae na pawang magkakamag-anak pasado alas-onse ng gabi sa Gonzales Street Bonuan Boquig Dagupan City nitong lunes ika tatlumpo ng Hulyo ayon narin sa naka-blotter sa police station.

Ang mga biktima ay residente ng Sitio Palatong Bonuan Boquig Dagupan City na kinilalang sina Jovita Biason kasama ang kaniyang anak na si Mary Joy Biason at ang pamangkin nito na si Kimberly Montero. Sa salaysay ng mga biktima lulan umano sila ng pampasaherong tricycle ng harangin sila ng dalawang kalalakihan na nasa edad bente hanggang trenta na sakay ng isang motor. Armado umano ang mga ito ng baril na nag-paputok pa na kinatokt ng mga biktima. Natangay sa mga biktima ang dalawang smartphones na nagkakahalaga ng 51,000 pesos at pera na nagkakahalaga ng 1,100 pesos.

Dagdag ng mga biktima malakas ang kutob nilang kasabwat ng mga holdaper ang drayber ng tricycle na mariing itinaggi naman ng drayber bagkos ayon sa kanya ay isa rin siyang biktima na nagkaroon nga daw ng head injury dahil sa insidente at dinala sa isang pagamutan sa lungsod.


Paalala naman ng mga pulisya na mas maging alerto at iwasang lumabas o umuwi ng disoras ng gabi. Siniguro naman ng kapulisyahan na mas paiigtingin nila ang pagbabantay sa lungsod.
I

Facebook Comments