NANGUNGUNA | National Capital Region, patuloy na nangunguna sa Palarong Pambansa 2018

Ilocos Sur – Patuloy na namamayagpag ang mga atleta ng National Capital Region (NCR) sa Palarong Pambansa 2018 na ginaganap ngayon sa Vigan, Ilocos Sur.

Nangunguna pa rin sa medal tally ang NCR na may 62 golds, 48 silver at 30 bronze habang pumapangalawa ang Calabarzon na may 37 golds, 34 silver at 51 bronze.

Pangatlo ang Cordillea Administrative Region na may 22 golds, 17 silver at 19 bronze kung saan pang-apat ang Soccsksargen na may 17 gold, 16 silver at 24 bronze.


Hawak naman ng Central Visayas ang panglimang pwesto na may 16 gold, 14 silver at 20 bronze.

Facebook Comments