KALABOSO | Shabu laboratory, sinalakay ng mga pulis sa Marikina City

Marikina City – Sinalakay ng mga tauhan ng Marikina City Police Office ang isang shabu laboratory sa Barangay Nangka Marikina City kagabi.

Bitbit ang search warrant pinasok ng mga pulis ang isang bahay na napagalamang isa palang shabu laboratory.

Sa pagsalakay narekober sa loob ng shabu lab ang napakaraming mga plastic container at aluminum container na naglalaman ng mga kemikal sa paggawa ng iligal na droga.


Naabutan rin ng mga pulis ang mga nakatira sa bahay o shabu lab na sina John Ming Shen na kilala sa mga alyas na Mocario Lima Jiang Yonyuan, at Chun Chan; naabutan rin ang asawa nito na si Lulu Hong, kanyang lola na si Zheng Chongli, mga kasambahay na sina Eva Piyang at Ma. Christine Baquiller Locsin.


Facebook Comments