Nangyari sa Resorts World Manila, hindi terroristic act

Manila, Philippines – Pinanindigan ng Palasyo ng Malacañang na hindi talagang maituturing na terroristic act ang ginawa ni Jessie Carlos sa Resorts World Manila na ikinamatay ng 37 tao.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kahit na nagdulot ng takot sa buong Metro Manila at marami ang namatay sa insidente ay hindi talaga ito papasok sa depenisyon ng terrorist base na rin sa batas o ang republic act number 10168.

Sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Restituto Padilla na batay sa imbestigasyon na ginawa ng mga otoridad ay lumalabas na walang intensyon si Carlos na pumatay at ang pagkakasawi ng mga biktima ay dahil hindi nakahinga dulot ng sunog na ginawa ni Carlos sa lugar.


Samantala, inilabas na ng Palasyo ng Malacañang ang Executive Order number 27 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-uutos sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan maging ang lokal na pamahalaan na ipatupad ang mga nakasaad sa Philippine Development Plan ‎2017-2022

Batay sa nasabing kautusan, lahat ng mga programa at proyekto na sisimulan ay dapat naaayon sa mga probisyon ng Philippine Development Plan.

Layon nitong pagandahil ang ekonomiya ng bansa at mapaganda ang buhay ng mga Pilipino tulad ng pagpapababa ng unemployment rate at pagpapababa sa poverty rate sa bansa.
DZXL558

Facebook Comments