Lahat ng mga security officers ng mga Mall sa Quezon City, pinulong ni QCPD Chief Supt. Eleazar

Quezon City, Philippines – Pinulong ni QCPD District Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang lahat ng mga security officers ng mga Mall sa Quezon City upang ipaalala sa kanila ang kanilang tungkulin para mapangalagaan ang seguridad ng mga namamasyal sa Malls.

Ginawa ni Eleazar ang naturang pagpupulong sa mga security officer upang huwag mangyari sa Quezon City ang malagim na insidente sa Resort World Manila sa Pasay City kung saan 38 katao ang nasawi kabilang na ang suspek na si Jessie Carlos na nagtrabaho sa Department of Finance matapos na itoy magwala sa pamamagitan ng walang habas na pamamaril at manunog sa loob ng Casino.

Sabi ni Eleazar, magsilbing eye opener sa kanila ang malagim na nangyaring insidente sa Resort World Manila kung saan ipinaliwanag ng opisyal kung ano ang papel ng mga guardia para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko na pumapasok sa mga Mall sa QC.


Payo ni Eleazar sa publiko na huwag magpanik sakaling mayroong mangyaring kahalintulad na insidente at ang dapat nilang gawin ay alamin kung saan ang emergency exit, pagkatapos ay tumakbo o kayay magtago at tumawag sa kanilang mga kamag-anak o sa pulis at ipabatid ang nangyari sa kanila at sakaling worse scenario na ay maari nilang gimitin ang mga hawak nila halimbawa ay ballpen, o anumang bagay na maaring gamitin para maipagtanggol ang kanilang mga sarili sa oras ng kagipitan.
DZXL558

Facebook Comments