Nangyaring pamamaril sa Barangay Tejeros, iniimbestigahan na ng Makati City PNP

Makati City – Iniimbestigahan na ng Makati City PNP ang nangyaring pamamaril sa Barangay Tejeros kung saan dalawa ang patay habang isa ang kritikal.

Sa ulat, anim na suspek na sakay ng dalawang motorsiklo at isang tricycle ang bumaril sa mga biktimang sina Christopher Pabalan at Yancy Milamina habang naglalakad sa Masangkay Street.

Dead on the spot si Pabalan na nasa drug watchlist ng barangay habang namatay naman sa ospital si Milamina.


Nadamay rin sa insidente si Christian Leonardo na patuloy na inoobserbahan sa Makati Medical Center.

Sinisilip na ng pulisya ang kopya ng CCTV sa lugar at inaalam na din ang pahayag ng mga saksi na isa sa mga suspek ay nakasuot ng uniporme ng pulis.

Facebook Comments