Isnatcher, arestado sa Sta. Ana, Maynila

Sta. Ana, Maynila – Hindi na nakapalag pa ang isang isnatcher matapos makorner ng mga tanod at mga pulis sa Sta. Ana, Maynila.

Kitang-kita sa CCTV camera ang ginawang pang-aagaw ng suspek na si Joven Beloso sa cellphone ng 14-anyos na dalagita habang nag-aantay ito ng jeep sa kanto ng Zobel Roxas at Zapiro Street sa Barangay 765, Zone-83.

Todo tanggi pa sa una ang suspek pero nang ipinakita sa kaniya ang kopya ng CCTV ay naiyak na lamang ito at humingi ng tawad sa biktima.


Nakatakda naman sampahan ng kaso ng pamilya ng dalagita ang suspek para hindi na ito umulit pa sa masamang gawain.

Facebook Comments