Calasiao Pangasinan – Usap-Usapan sa social media ngayon ang mga video at larawan naka-posted sa account ni Calasiao Mayoralty Candidate Mark Roy Macanlalay kung saan nakasalaysay di umano ang insidente ng pananakot ng ilang armadong kalalakihan sa Brgy. Ambonao Balani, Calasiao Pangasinan.
Ayon sa salaysay ni Macanlalay isang di umanong concern citizen na taga suporta nila ang nagsuplong sa kanila na agad namang nirespondehan ng kanilang mga sibilyang kasamahan. Dagdag pa nito na di umano tila ba naghahamon ang mga armadong kalalakihan na kumakaway pa sa kanilang mga kasamahan. Ayon pa sa nasabing facebook post kahit mayroon ng mga pulis sa nasabing lugar ay wala umanong takot ang mga kalalakihan. Naganap umano ang insidente sa pagitan ng alas-9 hanggang alas-10 ng umaga.
Wala namang tinukoy na grupo ang nauna na nasa likod nitong nasabing insidente. Layon lang umano kung bakit ito’y nilagay sa social media ay upang magkaroon ng awareness ng nasabing pangyayari ang mga mamamayan at kinauukulan sa mga ganitong klase ng insidente na maaaring pigilan upang mapanatili ang katiwasayan ng papalapit na halalan. Dagdag pa ng una na mayroon pa itong hawak na mga videos ngunit pinili nitong huwag munang ilabas.
Sa panayam ng iFM Dagupan sa PNP Calasiao pinabulaanan nila na mayroong mga armado sa Brgy. Ambonao Balani taliwas sa pahayag ni Macanlalay. Sa kanilang pag-responde umano sa nasabing insidente lumalabas na walang mga armadong mga kalalakihan at may intensyon di umano na manira lamang. Dagdag pa ng PNP Calasiao hindi naman daw malinaw sa ikinakalat na videos at mga larawan na armado nga ang mga kalalakihang pinapatungkulan nila. Siniguro naman ng kanilang hanay na patuloy silang magbabantay alinsunod narin sa deriktiba sa kanila na panatilihin ang peace and order sa nasabing bayan.
CTTO: Facebook Account of Mayoralty Candidate Mark Macanlalay