Final testing and sealing ng COMELEC Dagupan isinagawa

Dagupan City – Isinagawa nga kahapon ng Comelec Dagupan ang final testing and sealing sa lahat ng voting precinct sa lungsod na parte parin ng preparation ng ahensya sa nalalapit na midterm election.

Isinasagawa ito upang masubukan kung papaano ito paganahin at matukoy kung may mga VCM na defective. Ang nasabing mga testing ay isinagawa sa presensya ng mga electoral boards, poll clerk at ang third members, gayundin ang mga poll-watchers ng iba’t-ibang partido.

Pagkatapo ang ginanap na final testing ay agad itong sinelyuhan at siniguro ang seguridad ng mga ito hanggang sa pagtatapos ng eleksyon.


Sa ngayon kampanteng inihayag ng Comelec na all system go na sila sa halalan sa darating na lunes at positibong magagampanan nila ng mabuti ang kanilang mandato sa tulong narin ng mga iba pang ahensya ng gobyerno at mamamayan.

Facebook Comments