Nangyaring riot sa Bilibid, iniimbestigahan na

50

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na namatay ang isang inmate sa New Bilibid Prison matapos na saksakin ng kapwa preso.

Ayon sa BuCor, naganap ang pananaksak nang magsisimula na ang Oplan Galugad sa Medium Security Compound (MedSeCom) noong Hunyo 1.


Nangyari ang insidente sa isa sa mga gusali sa loob ng MedSeCom.

Nakapagresponde naman agad ang BuCor security personnel at nahuli ng mga kapwa inmate ang suspek sa nasabing stabbing incident.

Sinabi naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hinihintay pa niya ang report ng BuCor sa nangyaring kaguluhan sa Bilibid.

Facebook Comments