Higit P14 bilyong piso loan para sa ‘The Big One’, inaprubahan na ng World Bank

39

Inaprubahan na ng World Bank (WB) ang higit P14 bilyong pisong loan ng bansa para sa paghahanda sa mga sakuna at kalamidad tulad ng ‘The Big One’.

Ayon sa WB, gagamitin ang pondo para ipandagdag sa mga proyekto sa paghahanda sa mga sakuna tulad ng bagyo, baha, pagsabog ng bulkan at pandemya.


Layon din ng pondo ang pag-aayos at restorasyon ng 425 na istruktura sa Metro Manila gaya ng health center, mga paaralan at iba pa.

 

Facebook Comments