Manila, Philippines – Kinumpirma ng Bank of the Philippine Islands (BPI) na naayos na ang ‘technical glitch’ na naging dahilan ng maghapong problema sa mga transaksyon ng kanilang mga bangko kahapon.
Sa abiso, pasado alas-10:00 kagabi ng maayos ng BPI ang problema.
Bukod dito, online na rin ang lahat ng kanilang automated teller machines o ATM.
Ayon kay BPI Senior Vice President Catherine Santamaria – hindi ‘hacking’ ang naging puno’t-dulo ng problema.
Aniya, nagkaroong ng aberya sa kanilang internal processing error kung saan naiba ang balance ng ilang accounts sa tunay na laman.
Nilinaw din ni Santamaria na walang nawalan ng pera sa kanilang mga accounts at misposting lamang ito.
Sinabi naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Financial Consumer Protection Head Pia Roman Tayag – hindi naman sila naalarma dahil agad na nagpaliwanag ang pamunuan ng BPI.
Paalala ng BSP, maging kalmado ang publiko at huwag nang magpost ng detalye ng mg bank accounts sa social media at baka mapagsamantalahan ng mga magnanakaw.
DZXL558