Nangyayaring sunog sa isang pampasaherong bangka sa Quezon, kontrolado na ng PCG

Kontrolado na ang nangyaring sunog sa pampasaherong bangka sa karagatan sakop ng Real, Quezon.

Sa ibinahaging impormasyon ng Philippine Coast Guard, alas-9:57 nang makontrol ang sunog sa Mercraft 2 kung saan sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula umano ang apoy sa engine room nito.

Ayon pa sa coast guard, nasa 124 na pasahero ang naligtas kung saan 23 sa kanila ay sugatan na kasalukuyan nang ginagamot sa hospital at tatlo ang nasa kritikal na kalagayan.


Pito naman ang naiulat na nasawi at apat din ang nawawala habang ang nasabing bangka ay nasa baybayin na ng Baluti Island, Brgy. Cawayan, Real Quezon.

Patulot naman ang ginagawang search and rescue operation ng mga tauhan ng PCG Real at ng lokal na pamahalaan para mahanap ang ibang nawawala.

Facebook Comments