Nanie Koh, itinanggi na siya ang tita nani na binibigyan ng ‘tara’ sa Customs

Manila, Philippines – Itinanggi ni Nanie Koh ng Bureau of Customs na siya ang tinutukoy ni Customs Broker Mark Taguba na binibigyan ng “tara” sa Import and Assessment Services o IAS.

Ayon kay Koh, hindi siya ang tita Nani na sinasabi ni Taguba dahil siya ay taga-Auction and Cargo Disposal Monitoring Division at hindi sa IAS.

Nauna dito ay may binanggit si Taguba na Tita Nani na binibigyan niya ng 10,000 piso na “tara” sa kada-container na pinapalusot sa Customs.


Sinabi naman ni Lorna Rosario, Acting Chief ng Assessment Coordination Monitoring Division ng BOC na wala din siyang kilalang Tita Nani.

Samantala, nilapitan ni Atty. Althea Acas ang reporter ng Philippine Daily Inquirer dahil sa tweet kanina noong ito ay ginigisa ni Deputy Speaker Sharon Garin.

Kasama ng iba pang reporters, sarkastikong nagpasalamat si Acas sa tweet at tinanong kung may value ba ito sa hearing at storyang ginagawa ng mga taga-media.

Panay din ang kuha nito sa kanyang camera sa mga reporters dahilan kaya nakakabahala din ang inaakto ng project manager ng BOC.

Kanina ay mangiyak-ngiyak si Acas matapos masermunan ni Garin dahil sa kumuha ang ahensya ng hindi qualified na mga tao sa ahensya.

Facebook Comments