Manila, Philippines – Hindi gagawa ng rekomendasyon ang Department of National Defense para sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Communist Party of the Philippines- New Peoples Army- National Democratic Front o CPP-NPA-NDF
Ito ang pinaninindigan ngayon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Aniya verbal man o written ay hindi siya magrerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte para isulong muli ang peacetalks
Paliwanag ng kalihim, walang magandang kahihitnatnan ang muling pagbubukas ng peace talks sa CPP-NPA-NDF dahil wala naman matibay na napagkasunduan para rito ang dalawang panig.
Madali aniya sa kabilang panig na muling gumawa ng karahasan kahit pa isulong muli ang peace talks, na kanila nang ginawa sa mga nakalipas na panahon.
Sinabi pa ni Lorenzana na wala naman syang narinig na komento mula kay Bayan Muna Party-List Representative Carlos Zarate na gumawa ito ng resolusyon na pirmado ng 60 mambabatas upang hikayatin ang Pangulong Duterte na ibalik ang usapang pangkapayapan sa CPP NPA NDF.
Posible aniyang gusto lang ibalik ni Zarate ang peace talks dahil maaring nag-away na naman sila ni CPP-NPA founding chairman Joma Sison.