2019 SENATORIAL RACE | Governor Imee Marcos inaming posible siyang tumakbo sa 2019 midterm national election

Manila, Philippines – Aminado si Governor Imee Marcos na pinag-iisipan na ng kanilang pamilya ang pagsabak niya sa 2019 senatorial race.

Ayon kay Marcos dahil sa pagpapatuloy ng election protest ng kanyang kapatid na si Bongbong, ay mas mabuti aniya na may tumakbo na isa sa kanilang pamilya upang malaman talaga ang damdamin ng bayan sa pamilya Marcos.

Inamin nito na sinimulan na rin niyang mag ikot sa buong Pilipinas para alamin ang damdamin ng bayan kung talagang gusto pa silang maglingkod sa bayan.


Paliwanag ni Marcos walong taon na rin siyang naninilbihan bilang gobernadora ng Ilocos Norte at hindi siya kilala ng ibang mga Filipino.

Pero pag lilinaw ng senadora wala pang konkreto sa ngayon at ang posibilidad ng kanyang pagtakbo ay nakasalalay sa mgiging desisyon ng buong pamilya Marcos.

Facebook Comments