Davao City – Nanindigan na si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging permanente ang deployment ban ng OFW sa Kuwait.
Ito ay kasabay ng panagawan ng Pangulo na umuwi na ng Pilipinas ang mga Pilipinong manggagawang nagtatrabaho roon.
Sa kanyang arrival speech sa Davao City, sinabi ng Pangulo, wala nang gagawing recruitment para sa Filipino domestic workers.
Mas mainam pang ipadala ang mga OFW sa China na nangangailangan ng mga Pilipinong guro.
Hindi naman pwersahang kukumbinsihin ng Pangulo ang ilang Pinoy professionals sa Kuwait na umuwi pero umapela ito sa Pinoy household service workers sa Kuwait na bumalik na ng bansa.
Sa ngayon, hanggat hindi pa naiuuwi ang OFW sa Kuwait, nanawagan ang Pangulo sa pamahalaan nito na tratuhing bilang tao ang mga ito.