Manila, Philippines – Nanindigan ang DOJ na walang double jeopardy sa muling pagbubukas sa kasong kudeta ni Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon sa DOJ, ito ay dahil “dismissed with consent” anila ang nasabing kaso.
Iginiit ng Justice Department na bago magawaran ng amnestiya si Senador Trillanes noong 2011, nakatakda na sanang ibaba ng Makati RTC Branch 148 noong December 2010 ang hatol sa kaso nitong kudeta.
Una nang nagsumite ng komento ang DOJ sa Makati RTC Branch 148 para sagutin ang punto ni Senador Trillanes.
Isinumite rin ng Justice Department bilang ebidensya ang naging panayam kay Senador Trillanes ng GMA News noong January 2011 kung saan sinabi ng senador na hindi nya aamining sangkot siya sa kudeta.
Facebook Comments