Manila, Philippines – Hindi na maibabalik sa mga jeepney operators ang binayaran nilang fare matrix para sa sampung pisong taas pasahe.
Ito ay matapos maglabas ng desisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB para sa siyam na pisong provisional rollback sa pasahe sa National Capital Region (NCR) at sa Regions 3 at 4.
Ayon Atty. Samuel Jardin, Executive Director ng LTFRB, non-refundable ang binayarang P610 ng mga operator para makapaningil ng sampung pisong minimum na pasahe.
Nakapaloob aniya sa binayarang matrix ng mga operator ang P510 para sa regulatory fee, P10 legal research fee, P50 administrative cost at P40 verification charge.
Facebook Comments