NANINDIGAN | GSIS, nilinaw na hindi talaga nagbabayad ng renta ang Sofitel Hotel

Manila, Philippines – Nilinaw ni Government Service Insurance System (GSIS) President and General Manager Atty. Jesus Aranas na hindi pa nagbabayad ng kanilang renta ang Philippine Plaza Holdings Incorporated o Sofitel Philippine Plaza Manila.

Mariing itinanggi ng pamunuan ng GSIS ang inilabas na pahayag ng Sofitel na regular silang nagbabayad ng rentals sa gobyerno.

Sa ginanap na Presscon sa tanggapan ng GSIS, sinabi ni Atty. Aranas na 23 taon na hindi nagbabayad ang Sofitel simula 1993 hanggang 2016 na umaabot sa 101 milyong piso ang rentang dapat bayaran ng Sofitel Hotel sa GSIS.


Paliwanag ni Atty. Aranas binigyan na nila ng deadline ang Sofitel hotel na magbayad sa loob ng 30 araw mula Abril 13 hanggang Mayo 13.

Inuukupahan ng Sofitel Hotel ang apat na lote: ang Lot 30-A na may lawak 30,524 square meters, Lot 30 B na may lawak na 21,264 square meters, Lot 41 na may area na 3, 591 square meters at Lot 19 na may lawak na 3,802 square meters.

Giit ni Aranas na tanging ang Lot 19 at 41 mula noong 1993 hanggang 2016 na umaabot sa 101 milyong piso ang hindi pa nababayaran ng Sofitel Hotel.

Facebook Comments