NANINDIGAN | Isa sa mga tauhan ni Kerwin Espinosa, nanindigan na si Peter Lim ang isa sa supplier nila ng shabu

Manila, Philippines – Aabot daw sa mahigit kalahating tonelada o kabuuang 560 kilos ng shabu ang droga na isinuplay daw ni Peter Lim alyas Jaguar kay Kerwin Espinosa.

Ito ang nakasaad sa pang-apat na sinumpaang salaysay ni Marcelo Adorco, isa sa respondents at testigo ng PNP-CIDG sa drug case laban kay Peter Lim, Peter Co at Kerwin Espinosa

Ayon kay Adorco, dating tauhan ni Kerwin, si Peter Lim ang isa sa mga supplier ng shabu ng kanyang amo.


Nagsimula aniya ang transaksyon nina Peter Lim at Kerwin noong 2012 hanggang 2015.

Sa bawat taon aniya ay tig-apat na transaksyon ang nangyari sa pagitan nina Lim at Kerwin.

Noong 2012, tig-dalawampung kilo ng droga sa bawat transaksyon ang isinuplay aniya ni Peter Lim, noong 2013 ay tumaas na ang transaksyon sa tig-tatlumpung kilo.

Taong 2014 naman ay tig-40 kilo ang droga na isinuplay ni Lim, at noong 2015, umakyat na ito sa tig-50 kilo ng shabu.

Facebook Comments