NANINDIGAN | Isinampang kaso laban kina Castro, Ocampo – hindi uusad sa korte

Manila, Philippines – Nanindigan ang ilang mga kasamahan nila Alliance of Concerned Teachers (ACT) Teachers Representative France Castro at dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo na hindi tatayo sa korte ang mga isinampang kaso laban sa mga mambabatas.

Ito ay kaugnay sa pagtungo ng mga kongresista sa Talaingod Davao del Norte para maghatid ng tulong sa mga estudyante at mga guro ng Lumad schools.

Ayon kay Anakpawis Partylist Representative Ariel Casilao, hindi tatayo sa korte ang isinampang child abuse, kidnapping at human trafficking laban kina Castro at Ocampo.


Giit din ni Casilao, malinaw na gawa-gawa lang ng PNP, AFP at lokal na pamahalaan ng Davao del Norte ang kaso para maipakulong ang 18 indibidwal kasama ang mga mambabatas.

Ipinapakita aniya nito na desperado ang administrasyong Duterte na supilin ang karapatan ng grupo ni Ocampo na kilalang human rights defender at ni Castro na isang teacher’s advocate.

Samantala, matatandaang kinasuhan sina Castro at Ocampo dahil sa pagdadala ng mga kabataan sa Talaingod Lumad school nang hindi nalalaman ng magulang ng mga kabataan.

Facebook Comments