NANINDIGAN | Kampo ni Bongbong Marcos, iginiit na sumusunod sila sa panuntunan ng PET

Manila, Philippines – Nanindigan ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos na kahit kailan ay hindi nito sinuwag ang Supreme Court (SC) na umuupong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Tugon ito ni Atty. Vic Rodriguez, abogado ni BBM sa multang tig P500,000 na ipinataw ng tribunal sa kanilang kampo at kampo ni VP Leni Robredo dahil sa paglabag sa subjudice rule.

Aniya, mula nang isampa ni BBM ang electoral protest hanggang sa pagarangkada nito ay tumatalima sa panuntunan ng PET.


Sinabi ng abogado na hindi nila magagawang lumabag dahil batid nila na pababagalin nito ang kanilang laban sa paglitaw ng katotohanan at hustisya sa tumatakbong election protest.

Iginagalang ng kampo ni Marcos ang desisyon ng PET at nanangako na magiging maingat sila sa pagsunod sa subjudice rule.

Facebook Comments