NANINDIGAN | Kolumnista ng Time magazine, sinagot si Pangulong Duterte matapos sabihin hindi siya maituturing na ‘strongman’

Manila, Philippines – Sinagot ni Time Magazine Writer Ian Bremmer ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya kasama sa mga tinaguriang ‘strongman’.

Ayon kay Bremmer – nanindigan siya sa kanyang artikulo at binanggit ang ilang isyu na kinasasangkutan ng Pangulo.

Ginawa ni Bremmer na basehan ang report ng human rights watch na isang katiwa-tiwalang source sa datos ng war on drugs.


Lumabas kasi aniya rito na lumala ang human rights crisis sa Pilipinas.

Sinagot din ni Bremmer ang pahayag ng Pangulong Duterte na wala itong ipinakukulong dahil isang halimbawa rito si Senadora Leila De Lima na nakulong dahil sa pulitika.

Nabanggit din niya ang naging sinapit ni ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno na may kinalaman din daw ang Pangulo.

Giit pa ng Time writer, gusto naman talaga ni Duterte ang pagtawag sa kanya na strongman.

Facebook Comments