BAYAD | DepEd, handa nang ipamahagi ang mga cash cards sa mga volunteer-teachers ng Barangay at SK Elections

Manila, Philippines – Ini-ulat ng Department of Education (DepEd) na na-deliver na ang 87 percent ng mga cash card para sa mga nagsilbing guro sa Barangay at SK Elections.

Kasabay nito, tiniyak ni Deped Director Joel Erestain, maibibigay ang bayad sa mga guro para sa kanilang election duties sa lalong madaling panahon.

Nagkaroon lang aniya ng konting problema sa transmittal ng pondo sa bangko sa Bukidnon pero inaasahan namang maipapalabas pa rin ang pondo para sa mga bayad ng mga guro doon hanggang sa Huwebes.


Facebook Comments