NANINDIGAN | Malacañan, hindi natinag sa panawagan ng 38 bansa ng UNHRC

Manila, Philippines – Hindi dapat dinidiktahan ang Pilipinas ng ibang bansa.

Ito ay tugon ng Malacañan kasunod ng panawagan ng 38 bansa na miyembro ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na resolbahin ang mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs at makipagtulungan sa international community na imbestigahan ang mga ito.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque – may ginagawang hakbang na ang gobyerno tulad ng pag-imbentaryo ng mga napatay at inaalam kung nasunod ang tamang proseso


Sa datos ng gobyerno, nasa 4,279 drug suspects ang namatay habang higit 140,000 ang naaresto sa 22 buwang pagpapatupad ng anti-drug campaign.

Nasa 99,485 anti-drug operations ang isinagawa mula sa july 01, 2016 hanggang may 15, 2018.

Facebook Comments