IPINAGTANGGOL | Dating Sen. Jinggoy Estrada, dinipensahan ang pag-selfie ni dating Sen. Bong Revilla sa kulungan

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Dating Sen. Jinggoy Estrada si dating Sen. Bong Revilla sa kinasasangkutan nitong kontrobersiya.

Nabatid na kumuha ng selfie si Revilla at ipinaskil sa Facebook kasabay ng ika-apat na taon nitong pagkakakulong sa PNP custodial center sa kampo krame.

Ayon kay Estrada – masyadong pinalalaki ng publiko ang isyu.


Sabi ni Estrada – naging mahigpit ang seguridad sa loob ng custodial center lalo na nung ipinasok si Sen. Leila de Lima.

Aniya, naging limitado ang kanilang karapatan kaya wala siyang nakikitang mali ang pag-seselfie.

Aniya, hindi kay Revilla ang ginamit nitong cellphone.

Sa ngayon, tinanggal na sa Facebook ang post ni Revilla.

Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder sa sandiganbayan dahil sa maanomalyang paggamit ng 223.5 million pesos na pork barrel.

Facebook Comments